News

Edukasyon susi laban sa kahirapan – Coun. Pureza

Sa gitna ng kaliwa’t kanang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, mabagal na pagtaas ng sahod ng uring manggagawa, paghina ng produksyon ng sektor ng agrikultura, sinabi ni Konsehal Dr. Edwin Pureza sa kanyang pribilehiyong pananalita na inihain sa Sangguniang Panlungsod ng Lucena na edukasyon ang susi para malabanan ang kahirapan.

“Alam din nating lahat na isa sa hadlang upang hindi makapagpatuloy sa pag-aaral ay ang kahirapan,” sabi ni Pureza.

Binigyang-diin pa ni Pureza, na ang edukasyon ay kinakailangan upang maiangat ang antas ng pamumuhay ng isang tao at ang kinabukasan ng kabataan ay nakasalalay sa kanilang edukasyon, dahil ito ang susi sa tagumpay. Ang mga natutunan nila ay magiging daan upang matutunan nila ang kanilang mga pangarap sa buhay.

“The context of education is to each student to strengthen what talent they have,” saad ni Pureza.

Pinasalamatan din nito ang SK Federation President na si Konsehal Rolden Garcia dahil sa magandang proyekto ng Sangguniang Kabataan na scholarship program para sa mga kabataang mag-aaral ng lungsod.

Bukod dito, ay ang pagbibigay ng libreng edukasyon sa Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena o DLL, mga kagamitan sa eskwela gaya ng school bags, notebooks at iba pa ng Pamahalaang Panlungsod.

Pin It on Pinterest