600 college students sa Pagbilao, nakatanggap ng cash assistance
Tinatayang 600 estudyante sa bayan ng Pagbilao, Quezon ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa lokal na pamahalaan.
Mismong si Pagbilao Mayor Angelica Portes-Tatlonghari ang nanguna sa distribusyon ng naturang financial assistance para sa mga estudyante nitong Lunes.
Ang cash assistance ay ang unang batch ng pamamahagi sa ilalim ng Municipal Education Assistance Program sa tanggapan ng alkalde.
Sinabi ng pamahalaang bayan na ang mga benepisyaryo ay binubuo ng college scholars na papasok para sa ikalawang semester.
Layunin ng programa na makatulong sa gastusin sa edukasyon ng mga estudyante gaya ng pambayad sa school fees, school supplies, projects, allowance, at iba pang mga bayarin.
Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga estudyanteng nakatanggap ng naturang cash assistance.