News

Miyembro ng Leonora Drug Group Arestado sa Lucena City

Arestado sa buy-bust operation ang isang Ginang na miyembro ng Leonora Drug Group sa Lucena City.

Ang gurpo ayon kay PCol. Ledon Monte ang Police Director ng Quezon Police Provincial Office ay sinasabing sangkot sa mga illegal drug trade sa syudad na kabilang ito sa anim na drug group na kanilang patuloy na minomonitor upang tuluyang mabuwag.

Ang nahuling suspek ay kinilalang si Bellarica Leogo Bondad 37-anyos, residente ng Purok Buklod Pagkakaisa Brgy. Cotta, Lucena City.

Ayon kay Monte nadakip ang babaeng suspek sa Brgy. Ibabang Iyam, matapos umanong makipagtransakyon sa mga tauhan ng Provincial ng Drug Enforcement Unit katuwang ang PDEA 4A at Lucena Police noong gabi ng November 16, 2022.

Nabilhan umano ng ilegal na droga ang babae ng isang police na nagpanggap na parokyano.

Tatlong piraso ng sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ang nakuha dito na 11.95 grams ang bigat.

Mahigit 243 thousand pesos ang street value ng nakumpiskang ilegal na droga.

Nakaditine na ang suspek sa custodial facility ng Lucena City Police station at nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pin It on Pinterest