Nagpi-prepare na Akong Mag-Alaga ng Apo -Mayor Dondon Alcala
“Nagpi-prepare na akong mag-alaga ng mga apo” – Ito ang naging pahayag ni Lucena City Mayor Dondon Alcala sa exclusive interview ng Bandilyo.ph sa programang Usapang Tapat ni Manong Nick. Tinutukoy dito ni Mayor Dondon ay ang kanya sanang mga gagawin sa kanyang pagreretiro sa pulitika.
“Sa totoo lang nakaready na e, sabi ko nga nagpi-prepare na ako mag-alaga ng mga apo, naghahanda na ako, Manong Nick na mag-a-alaga na lang apo, kung ano na ang gagawin natin (pag-a-alaga),”
Dagdag pa ng alkalde na siya ay nagkaka-edad na rin kaya pinaghahandaan na rin niya ang kanyang kalusugan. Sinabi rin ni Alcala na siya ay maninibago sa kanyang pare-retiro dahil mas sanay siya ng may ginagawa. Pero masaya naman daw niyang tinanggap ang naging desisyon ng kanyang pamilya na punan ang bakanteng posisyon para sa pagka bise alkalde.
“Nag-usap po ang pamilya namin at binanggit nila na ikaw na ang lumaban na vice mayor e ano naman po ito kumbaga, silently eh natuwa naman po ang inyong lingkod. Para bang naisip natin, pa-retire ka na tapos biglang ito na uli maglilingkod uli ako sa Lungsod ng Lucena “
Aniya, wala na sa isip niya na siya ay muling makakapaglingkod sa Lungsod ng Lucena.