News

Mga Mangingisda Pinag-Iingat Dahil sa Sama ng Panahon

Pinag-iingat ng Philippine Coast Guard ang mga mangingisda sa kanilang pagpalaot dahil sa sama ng panahon. Kamakailan lang isang 72-year old na mangingisada ang nasagip sa polillo island sa Quezon, matapos tumaob ang bangka bunsod ng sama ng panahon. Ngayong may sama ng panahon bunsod ng tropical storm na si Maring, bagamat hindi direktang makakaapekto sa probinsya ng Quezon, nagdudulot naman ito ng malalaking alon sa karagatan. Payo ng Coast Guard Southern Quezon sa mga mangingisa lalo na iyong gumagamait ng maliliit na bangka na maging mapagmatyag, at kung maari ay huwang na munang pumalaot.

“Sa mga maliliit na mangingisda sa ganitong panahon na hanggat maari na ‘wag na muna silang pumalaot, para maiwasan po natin na malubgan po sila ng bangka o masiraan sila ng bangka,” ayon kay Coast Guard Southern Quezon Lucena Sub Station Commander PGPO1 Elizalde Golfo

Umaga ng October 12, medyo malakas ang alon na nararanasan sa karagatang sakop ng Tayabas Bay. Dahilan para magasagawa ang Coastguard ng coastal patrol, ilang coastal barangay sa Lucena City ang kanilanang minonitor. Ayon pa kay Golfo, nakipag-coordinate na sila sa mga opisyal ng mga coastal barangay upang mapaalalahan ang mga mangingisda dahil sa nararanasang sama ng panahon dulot ng hanging habagat na pinalakas ng tropical storm.

Sinabi ni Golfo nakahanda naman ang kanilang hanay sakaling magkaroon ng ano mang maritime incident.

Pin It on Pinterest