News

‘4K ng Barangay’, ilulunsad sa General Nakar

Isang bagong proyekto ang ilulunsad sa General Nakar, Quezon upang mapaunlad ang pamamahala ng basura sa kanilang bayan.

Sa proyektong “Kapit-Kamay, Kapitbahayan sa Kalinisan ng Barangay” (4K ng Barangay), magbibigay ang lokal na pamahalaan ng 12 units ng tricycle na magsisilbing panghakot sa mga mga residual wastes mula sa household o kabahayan papunta sa mga Materials recovery facility sa bawat barangay.

Tinalakay ang planong ito sa naging pagpupulong ng Municipal Solid Waste Management Board nitong Lunes kaugnay sa pagpapaunlad ng mga polisiya para sa waste management.

Bahagi din sa napag-usapan sa pagpupulong ang pagkakaloob ng mga materyales para sa 12 units ng Material Recovery Facility (MRF) ng Barangay.

Samantala, patuloy naman ang mahigpit na pagpapatupad ng Municipal Environment & Natural Resources ng General Nakar sa kautusan na nagtatakda ng wastong pamamahala ng basura sa pamamagitan ng paghihiwalay ng mga basurang biodegradable at non-biodegradable.

Ayon sa lokal na pamahalaan, patuloy na iniaangat nila ang ano mang aspeto, maging ito man ay sa mahusay at maayos na polisiya para sa tamang pamamahala ng basura at iba pa.

Pin It on Pinterest