News

P403,000 Cash Aid, ipinamahagi sa 123 Tayabasin

Isandaan dalawampu’t tatlong (123) indibidwal na dumaraan sa kakapusan ng pangtustos sa pambili ng gamot, pambili ng gatas ng sanggol at pampalibing ng namayapang kamag-anak ang tumanggap ng Aid for Individual in Crisis Situation (AICS), kamakailan.

Pinangunahan ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang pamimigay ng tulong sa mga kinakapos na kababayan sa ginawang pay-out sa Tanggapan ng Punong Lungsod sa New Tayabas City Hall.

Ito ay upang iparamdam ng Alkalde ang pagmamalasakit sa mga nahihirapang kababayan sa nilalaman ng kanyang mensahe na handang tumulong ang pamahalaan at sinabing paglipas ng anim na buwan ay maaari silang muling mag-asikaso ng paghingi ng ayuda sa City Social Welfare and Development Office kung patuloy na mangangailangan.

Umabot sa halagang Four Hundred Three Thousand Pesos (Php403,000) ang ipinamahaging tulong sa mga benepisyaryo.

Dalawampung (20) Senior Citizen’s Medical Assistance, walumpung (80) Medical Assistance for Individuals in Crisis Situation, apat (4) na Milk Assistance, anim (6) na Burial Assistance for Indigents at labintatlong (13) Burial Assistance for Senior Citizens.

Pin It on Pinterest