News

Shrimp industry, palalakasin sa Tagkawayan, Quezon

Nagsagawa kamakailan ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 4A ng pagpupulong at sample collection sa shrimp hatchery sa Tagkawayan, Quezon.

Layunin nito na palakasin at muling buhayin ang industriya ng sugpo at hipon sa nasabing bayan.

Pinangunahan ng Fisheries Integrated Laboratory Unit ang pagpupulong kasama ang mga operators at brokers ng shrimp hatchery, at Municipal Agriculture Office ng Tagkawayan, Quezon upang talakayin ang good aquaculture practices, mga kinakailangan sa farm registration at mga problemang kinakaharap ng industriya ng sugpo sa bayan.

Pinag-usapan din dito ang mga posibleng solusyon sa mga usapin at isyu sa nasabing industriya sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa kawanihan ng pangisdaan.

Matapos ang talakayan, nagtungo naman ang Laboratory team sa mga hatchery facility upang kumuha ng water at shrimp post-larvae samples para sa gagawing pag-aaral.

Natapos ang aktibidad, sa pakikipagpanayam sa mga farm operators sa wastong pagpaparehistro ng kani-kanilang mga pasilidad.

Pin It on Pinterest