News

Mga pasaherong pabalik ng Metro Manila, Mahaba ang pila sa Port of Lucena

Pabalik na ng Muntinlupa si Anabelle buhat sa anim na araw na bakasyon sa Marinduque nitong Semana Santa. Bukas balik trabaho na daw siya, inaasahan niyang alas -4:00 ng hapon ngayong araw makakarating na siya ng Metro Manila.

10:30 ng umaga ng dumaong ang barkong sinasakyan nila sa Port of Lucena buhat sa Marinduque. Sa Port of Lucena pahirapan ang pagsakay ng bus patungong Manila.

‘’Bukas may pasok na e, inaasahan nyo mga anong oras ka dadating ng Manila? Siguro mga 4:00 ang problema namin baka matraffic.”

Mag-aalas onse ng umaga April 10, 2023 mahaba ang pila ng mga pasahero sa port of Lucena galing sa Marinduque at Romblon, noong oras kasi na iyon kulang ang mga nakaabang na bus sa pantalan.

“Dapat nag poprovide sila ng maraming sasakyan nakikita kasi namin yung mga bus puro Cubao lang dapat mayroon din along Alabang at Torbina,’’ sabi Marivel na pauwi ng Santa Rosa Laguna.

‘’Kulang ang sasakyan, kulang bus.”

Karamihan sa mga pauwi galing bakasyon ay balik trabaho na bukas.

Mag-aalas onse ng umaga anim na Roro Vessel na galing sa Balanakan Port sa Mariduque ang dumuong sa Port of Lucena sakay ang mga biyaherong bakasyunistang pabalik sa kani-kanilang mga lugar.

Ngayong araw April 10, ay deklaradong none working holiday pero marami na umuwi upang makapagpahinga pa at makaiwas sa trapiko.

Pero ayon sa mga taga port gabi ng Linggo ng Pagkabuhay dumagsa na sa Pantalan ng Lucena ang pasaherong galing sa Balanakan Port sa Marinduque pauwi galing sa bakasyon.

Ayon sa isang dispatcher ng isang bus company sa Port of Lucena kagabi raw nasa 50 bus ang kanyang napaalis sakay ang mga pasaherong dumating sa Panlatan buhat sa Marinduque patungong Manila.

Mas dagsa daw ang pasaharo kagabi pa lamang.

Samantala, mag-alas dose ng tanghali kanina, sunod-sunod ang naging pagdating ng mga bus sa pantalan dahilan upang humupa kaagad ang mahabang pila ng pasahero.

Pin It on Pinterest