News

45 na Pamilya sa Barangay 10, Lucena City, Nabiyayaan ng Lupa

Ngayon ay makakamit na ang lupang matagal nang ipinaglalaban.

Ito ang pahayag ng kapitan sa Brgy. 10, Lucena City, Kap. Arnel Magbanlac sa programang ‘Usapang Tapat ni Manong Nick’.

“Magiging kanila na sa haba ng panahong kanilang ipinaglalaban yung lupang ‘yun, so ngayon ho makakamit na nila” ayon kay Kap. Magbanlac

Aniya, 45 na pamilya sa Purok Rosal II, Brgy. 10 na kabilang sa kategoryang urban poor sector kung saan sadyang nangangailangan ang magkakaroon ng nasabing lupa.

Ayon pa kay Kap. Magbanlac na naaprubahan na ng Sanggunian at iniintay na lamang daw ang pagbabayad.

“Tama po kayo na naaprubahan na ng Sanggunian at iniintay na lamang po na magbayaran,” sinabi ni Kap. Magbanlac.

Dagdag pa ng kapitan sa Brgy.10 sa dami ng kanilang nilapitan, laking pasasalamat daw nila kay Mayor Dondon Alcala dahil hindi ito nagdalawang isip na sila ay tulungan.

Mensahe naman ni Kap. Magbanlac sa barangay na nasasakupan na handa siyang sumuporta at tumulong upang mapasakanila ang lupang ipinaglalaban.

Pin It on Pinterest