Pagkakaroon ng lactation station sa bawat tanggapan sa munisipalidad ng Real, Pasado sa SP Quezon
Pasado sa ikalawa at pinal na pagbasa ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon ang isang ordinansa sa bayan ng Real na nagtataktada sa mga tanggapan ng kanilang munisipalidad ng pagkakaroon ng lactation station o espasyo para sa pagpapasuso ng mga ina sa kanilang mga sangol o batang anak.
Umaga ng February 20, 2023 sa regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan, batay sa committee report ni Quezon 3rd District Board Member John Joseph Aquivido na nangangasiwa ng Committee on Health and Sanitation ng Sangguniang Panlalawigan, ang ordinsang ito ng bayan ng Real ay alinsunod sa Republic Act 10028 at Republic Act 7600 o ‘An act providing incentives to all government and private health institution with rooming-in and breastfeeding practices and for other purposes’ o pagkakaroon ng lugar ng mga opisina para sa pagpapasuso.
“Ordinance No. 10. Series of 2022 of the Municipalty of Real, Quzeon, an ordinance promoting breastfeeding and the use of breast milk, ang requiring all offices and establishment within the municipality of Real with 15 o more female or reproductive age 15-49 years old to prove their female employees with laction station”.
Sinabi ni Aquivido, base sa pagsusuri ng nasabing komite sa naturang ordinansa sa bayang nabangit ay mayroon na raw na sapat na espasyo, maging ang mga pampublikong pasilidad ng nasabing munisipyo ng naturang kautusan.
“Malugod ko pong inirerekomenda ang pagpasa ng nasabing ordinasa”.
Aprubado ito sa mga Board Member ng lalawigan. Walang naging pagtutol sa ordinansa.
Bahagi ito ng pagtataguyod ng pagpapasuso at paggamit ng gatas ng ina.