Mga nanalong atleta ng Lucena City sa Batang Pinoy National Championship 2022 sa Vigan City, pinuri sa SP Lucena
Isang resolusyon ang pinagtibay ng Sangguniang Panlungsod ng Lucena upang kilalanin at purihin ang mga batang atleta ng lungsod na nag-uwi ng karangalan at gintong medalya, silver at bronze sa katatapos na Batang Pinoy National Championship 2022 sa Vigan City, Ilocos Sur.
Ito’y bilang pagkilala ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang galing at husay sa iba’t ibang larangan ng pampalakasan.
“As I end this privilege speech, I would like to commend all our athletes, as Chairman of the Committee on Sports and Youth Development, I move to commend the above-mentioned name through Council Resolution and also separate commendation to DepEd Lucena City and City Sports Office, And I request, Mr. Presiding Officer for the inclusion in 1st and 2nd reading, subject to style”.
Ito ay matapos na mag-uwi ng limang gintong medalya sa larong swimming si Julian Louwers De Kam, tatlong gold at tatlong silver naman si Peter Cyrus Dean, tatlong gold, isang silver at bronze si Kristian Yugo Cabana, isang gold at isang silver si Zahjeed Isaac Sarmiento habang isang gold si Reinelle Jan Mikos Trinidad at tatlong silver kay Ashby Joyce Canlas.
Nasungkit naman ni Cloe Moira Zeta ang isang gold at dalawang bronze kay Lance Joseph Macatangay sa Arnis.
Nagwagi naman ng gold medal si Rafael Sinohin sa Dance Sport, wagi naman sa silver medal sina Jimuel Roy Alcantara, Prince Jervin Oriola at Froilan Perillo sa Archery.
Ayon sa pribilehiyong pananalita ni SK Federation President Rolden Garcia, ang tagumpay ng mga batang nanalo sa Batang Pinoy National Championship 2022 ay nagsisilbing inspirasyon sa mga kapwa batang atleta at naglagay sa lungsod ng mapa sa iba’t ibang larangan ng pampalakasan.
“Ipinamalas ng ating mga kabataan ang kanilang husay at galing sa ibat ibang larangang pampalakasan. Dala dala ang inspirasyon at suporta ng kani-kanilang mapagkalingang magulang at disiplinadong mga Guro at Coaches na silang nagsanay at umalalay para makamit ang sumusunod na parangal”.