Sako-sakong binhi ng palay, ipinamahagi sa mga magsasaka sa bayan ng General Nakar
Apat na daan at walumpu’t walong (488) magsasaka na benepisyaryo mula sa Kabilugan Area ang nakatangap ng sako-sakong dekalidad na binhing palay.
Ito ay mula sa ilalim ng programang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF). Idinaos ang aktibidad kahapon, June 1, 2023 sa General Nakar Convention Center.
Ang mga benepisyaryo ng programang ito ay pawang mga lehitimong magsasaka na rehistrado sa database ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).
Lubos ang pasasalamat ng Lokal na Pamahalaan ng General Nakar sa pangunguna ni Mayor Esee Ruzol sa kay Cong. Mark Enverga at sa Department of Agriculture sa patuloy na pagtuwang at pagsuporta para sa pagbibigay-alalay sa mga mamamayan sa pamamagitan ng mga ganitong programa.
Ayon sa Alkalde ng nasabing bayan ang paglingap sa mga magsasaka at seguridad sa pagkain ay patuloy na bibigyang-pansin at tututukan upang sa pinakamabilis, matino at mahusay na pamamaraan, kaunlaran ng bayan ay ganap na makamtan.