Pagpuputol ng puno sa pribadong lote kailangan pa rin ng permit mula sa DENR
Sa ilalim ng programa ng pamahalaan na pinangungunahan ng Department of Environment and Natural Resources ay pupunan ang mga nakalbong kagubatan at kabundukan ng mga puno na itatanim ng iba’t ibang organisasyon kasama ang komunidad. Hindi rin Sa Executive Order No. 23 naman na nilagdaan ng noon ay pangulong Noynoy Aquino ay pinagbabawal ang pagpuputol ng mga puno sa mga kalupaang pagmamay-ari ng pamahalaan. Pero nilinaw ni Ms. Liezl De Mesa, Forester III at kasalukuyang hepe ng Enforcement Unit ng DENR na kahit pwedeng putulin ang mga puno sa probadong mga lote ay kailangan pa ring kumuha ng kaukulang permiso mula sa kanilang ahensya. Sinabi pa ni De Mesa na isa sa mga importanteng requirement ay ang sertipikasyon ng nakakasakop na barangay na hindi tumututol ang pamahalaang pambarangay sa gagawing pagpuputol ng puno.
Ang pagtutol naman anya ng barangay sa pagpuputol ng puno sa pribadong lote ay may mga dahilan. Isang halimbawa ni Enforcement Unit Head ay kung ang punong nais putulin ay nasa tabi ng ilog. Maaari anyang tutulan ito ng barangay dahil kung mawawala ang mga puno sa baybayin ng mga ilog ay malaki ang posibilidad na magdulot ito ng pagguho ng lupa na makakasama hindi lamang sa mga tao sa paligid kundi maging sa kalikasan.
Nilinaw naman samantala ni Ms. Liezl De Mesa na kung walang pag-tutol ang barangay sa gagawing pagpuputol ng puno ay walang makakahadlang sa sa may-ari ng lupa dahil ito ay pribado.