Kampanya ng mga Lokal na Kandidato sa Lucena City, Ibinababa na sa mga Barangay

Makikita sa isang drone video ang dami ng tao na dumalo sa unang gabi ng campaign sorties ng Boom Lucena sa Barangay Ibabang Iyam noong March 29. Kung saan inilatag ng gupo sa publiko ang mga pangunahing plataporma para sa lungsod at mamamayan ng siyudad. Kasama ng mag-running mate na sina Kuya Mark Alkala para pagka-alkalde at Mayor Roderick Alcala na kandidatong bise alkalde ang PLAN ON FB Councilors upang manuyo sa mga taga Barangay Ibabang Iyam ng boto para sa Election sa Mayo 9. Una nang nagkaroon ng Caravan ang grupo noong umaga ng March 29 sa kahabaan ng Quezon Avenue.

Sa Barangay Mayao Crossing naman naglatag ng campaign caucus ang grupo ni Derick Castillo na kandidato rin sa pagka-alkalde, kasama ang mga kandidatong konsehal ng kanilang team. Humingi sila ng suporta sa mga taga barangay para sa darating na halalan.

Barangay Market View naman ang tinungo ng Talaga-Villapando Tandem upang mangampanya at ihayag ang mga plano sa siyudad. Kasama ang mga tumatakbong konsehal ng kanilang grupo, inilatag ang mga plataporma kasabay ang panghingi ng suporta sa mga residente ng naturang barangay. Patuloy naman ang pag-iikot ni konsehal Sunshine Abcede-Llaga sa Lucena City para sa kanyang kampanya bilang alkalde, nanuyo ng mga botante at suporta para sa election.

Pin It on Pinterest