LocalNews

Pagtatatag ng Lucena City Hospital, pirmado na ni PBBM

Naisabatas na ang pagtatatag ng Lucena City Hospital.

Sa bisa ng Republic Act No. 12211 na ni nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr noong Mayo 21, 2025, itatayo ang ang Level 1 general hospital na may 100-bed capacity na mapasaiilalim sa pangangasiwa ng Department of Health (DOH).

Ayon kay House Deputy Speaker at Quezon 2nd District David “Jayjay” Suarez na may akda nito,  isa itong katuparan sa pangarap na mas mailapit sa mga kababayan ang dekalidad, mas abot kaya, at mas mabilis na serbisyong medikal para sa lahat.

Nagpaabot din ng pasasalamat si Senate Committee on Health Chairperson Senator Christopher “Bong” Go sa mga kapwa mambabatas na nagsulong din upang maisabatas ito.

“Layunin ng batas na ito na mailapit at mapalawak ang serbisyong medikal at pangkalusugan na matatanggap ng ating mga kababayan sa Lucena City,” saad ng mambabatas.

Matatandaang noong Enero 2021may isinagawa nang groundbreaking ceremony ng itatayong hospital sa Barangay Mayao Parada kung saan dumalo rin sina Sen. Go at Rep. Suarez.

Samantala, nakitaan ito ng mga iregularidad tulad ng hindi pagdaan sa Hospital Development Plan at kakulangan ng mga dokumento tulad ng Certificate of Need and Permit to Construct nang bisitahin ito ni Gov. Dra Helen Tan noong Hulyo 2022.

Pin It on Pinterest