7 sugatan sa pagsalpok ng van sa concrete barrier sa Tayabas City
Sugatan ang pitong pasahero matapos bumangga ang kanilang sinasakyang van sa isang concrete barrier sa Rotonda Intersection Bypass Road, Brgy. Baguio, Tayabas City, Mayo 25.
Batay sa ulat, nasilaw ang driver ng van dahil sa nakasisilaw na ilaw ng kasalubong niyang sasakyan na naging sanhi ng pagbangga nito sa kongkretong harang.
Agad namang rumesponde ang Tayabas City Disaster Risk and Reduction Management Office (CDRRMO) at dinala ang mga biktima sa Tayabas City Community Hospital.
Samantala, patuloy naman ang CBDRRM sa pagsasagawa ng Hazard Identification Risk Assessment and Control (HIRAC) at paglalagay ng Early Warning System (EWS) upang maiwasan ang mga aksidente.

