News

Pangalawang multi-species hatchery sa Quezon, pinasinayaan

Pinangunahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng Department of Agriculture ang inagurasyon para sa itinayong Multi-species Marine Hatchery sa bayan ng Alabat, Quezon.

Ayon kay BFAR-Calabarzon Regional Director Sammy Malvas, ito ang pangalawang natapos na legalized hatchery na pinasinayaan sa lalawigan.

Nasa P23-milyon aniya ang inilaang pondo sa hatchery na nakatuon para sa mga alimango.

Katuwang na ahensiya sa proyekto ang lokal na pamahalaan ng Alabat, pamahalaang panlalawigan at Southern Luzon State University – Alabat Campus.

Ayon pa kay Malvas na ang BFAR ang magpo-provide ng operation ng hatchery sa unang dalawang taon at kalauna’y unti-unting ituturn-over sa LGU at SLSU para sa tuloy-tuloy na pag-ooperate.

Matatagpuan ang hatchery sa SLSU-Alabat multi-purpose farm sa Brgy. Balungay. Layon ng proyeko na palakasin ang lokal na industriya ng aquaculture sa pamamagitan ng mababang operating capital para sa mga mangingisda, pagdami ng mga hatchery sa buong rehiyon, mas maraming oportunidad sa trabaho, at paraan para sa praktikal na pagganap ng mga agriculture and fisheries students mula sa higher education institution.

Pin It on Pinterest