Local Recruitment Activity, isinagawa sa General Nakar
Matagumpay na naisagawa ang Local Recruitment Activity ng NatCorp Career Growth and Manpower Services, Inc. sa bayan ng General Nakar kahapon, January 20, 2023.
Ito ay mula sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng General Nakar sa pangunguna ni Punong Bayan, Mayor Esee Ruzol kasama si PESO Manager Lea Villanueva.
Bago magsimula ang application, screening at interview ng NatCorp ay nagkaroon ng maikling programa ang PESO – General Nakar.
Bagama’t isang araw lamang ang Local Recruitment Activity ay maaari paring mag-apply ang mga nais maging bahagi ng NatCorp.
Mangyari lamang na dalhin ang inyong updated resume at magtungo sa tanggapan ng PESO – General Nakar at hanapin si PESO Manager Lea Villanueva.
Bilang pasasalamat naman ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Esee Ruzol kasama si PESO Manager Lea Villanueva ay ginawaran ng Certificate of Appreciation at tokens ang NatCorp Career Growth and Manpower Services, Inc., ito ay dahil sa paghahatid ng trabaho para sa mga Nakarin.