MOA ng Quezon Government at Lucena LGU para sa Province-Wide Health System pinagtibay sa SP Quezon
Pinagtibay at inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon ang pagpasok sa isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Chief Executive ng Provincial Government at Local Government of Lucena City for the inter-LGU cooperation and implementation of the Province-Wide Health System (PWHS) under the Universal Health Care Act na kung saan nilalaman ng kasunduan ayon 3rd District board member JJ Aquivido na siyang nagpasok ng panukala sa plenaryo ng Sangguniang Panlalawigan sa kahilingan ni Governor Angelina Tan na makapasok ang Lungsod ng Lucena PWHS sa pamamagitan ng MOA magkakaroon na ng access ang Provincial Government sa local health fund ng Lucena Government na pwedeng magamit sa usaping pangkalusugan para sa kapakanan ng buong lalawigan.
Yung budget na pwedeng maibahagi ng lungsod ng Lucena ay pwedeng magamit sa Quezon Medical Center na kung saan marami sa pasyente ay mga taga Lucena City.
Noong nakaraang buwan ng magkaroon MOA Signing sa pagitan ng 39 na munisipalidad at isang syudad para sa Integration Province-Wide Health System hindi pa noon kasama ang Lucena City.
Ang nasabing kasunduan ayon kay Vice Governor Third Alcala, ang presiding officer ng SP Quezon ay sadyang makakatulong ng malaki sa Quezon Provincial Government pagdating sa Province Wide Heath System.