News

Panukalang habambuhay na kulong sa agri-smugglers, pinaboran ng mga Lucenahin

“Pwede naman po kasi hindi ba dapat binebenta nila ‘yun? Para hindi masyado mahal ang bigas. Bigyan na ng ultimatum”.

Ito ang naging sagot ni Josefina Dominguez sa panukalang habambuhay na kulong ang parusa sa mga agri-smugglers.

Ito’y matapos na lumusot sa ikatlo at huling pagbasa ng House of Representatives ang panukala na mag-aamyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Act, o Republic Act No. 10845 upang maging habambuhay na pagkakakulong ang parusa sa mga agri-smugglers.

Ito ay ang House Bill No. 9284, o panukalang Anti Agri-Fishery Commodities and Tobacco Economic Sabotage Act na nakakuha ng 289 pabor na boto mula sa mga kongresista at walang tumutol.

Pabor din dito ang ilan pang Lucenahin tungkol sa usapin.

Tutol naman dito si Anastacia na ikulong habambuhay ang mga agri-smugglers.

Sa ilalim ng panukala ang pag-abuso sa merkado, smuggling, hoarding, profiteering, at cartelizing ng bigas at iba pang produktong agrikultura ay ituturing na “economic sabotage” kaya magiging habambuhay na pagkakakulong ang parusa rito.

Inindorso sa plenaryo ni House Committee on Agriculture and Food na pinamumunuan ni Quezon Rep. Wilfrido Mark Enverga ang panukala na kabilang din sa priority bills ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

Umaasa si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na kapag naisabatas ang panukala ay matatapos na ang maliligayang araw ng mga smugglers, hoarders, at mga nagca-cartel para pagkakitaan ang paghihirap ng nakararaming Pilipino.

Pin It on Pinterest