News

Suspek sa nakawan ng mga cell site sa Quezon, arestado

Arestado ng Quezon PNP ang suspek sa mga naging nakawan ng mga cell site sa Quezon Province.

Bunga ng painagsama-samang dedikasyon at koordinasyon, agad na nahuli ng QPPO ang suspek na si Mac Robert Camaner Macabata sa Unisan at narekober sa kanyang posesyon ang mga ninakaw.

Pinangalanan ng suspek ang tatlong iba pang kasama nito sa pagnanakaw na sina Mark Laurence Atienza alyas Kram, Daryl Aldana Aviz alyas Balagsong at Ruel Lopez alyas Tasyo pawang mga residente ng Gumaca, Quezon.

Matatandaan na noong isang araw, naganap ang pagnanakaw sa isang cell site (Smart Tower) sa Agdangan kung saan 28 piraso ng rectifier batteries ang nakuha na nagkakahalaga ng Php 616,000.00.

Nasundan ito ng mga insidente ng nakawan sa cell sites ng Infanta at Unisan kung saan nanakaw sa Metrological Mast (Met Mast) sa Infanta ang bare copper roll na may tinatayang haba na 125m kasama ang iba pang instrumento na may kabuuang halaga na Php 349,000.00.

Samantala, sa Edgepoint Telecom Cell Site sa Unisan, nanakaw naman ang 32 rectifier batteries, isang radiator genset at dalawang rolyo ng copper wire na may tinatayang halaga na Php 704,000.00.

Sa pagsasagawa ng follow-up operation, narekober sa Barangay Villa Padua, Gumaca ang iba pang mga looted items na nagkakahalag ng mahigit 1.6M pesos.

Sa statement na inilabas ni Quezon PNP Director Col. Ledon Monte, mananagot din ang mga establishments na kasabwat gaya ng Junk Shops na tumatanggap sa mga nakaw na ito. Wala raw puwang sa Quezon ang mga magnanakaw at mga tumatangkilik nito.

Pin It on Pinterest