News

Peace and order at anti-drug abuse programs sa Brgy. Gulang-Gulang, mas pinaigting

Mas paiigtingin daw ni Kgd. Reynato Jing De Guzman bilang Chairman ng Peace and Order ng Barangay Gulang-Gulang sa Lungsod ng Lucena ang mga programa ukol sa peace and order at anti-drug abuse council sa kanilang barangay.

Ayon kay De Guzman, ang hakbang na ito ay bilang bahagi ng programa para mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa nasabing barangay.

“Una kami ay may 20 tanod na ito ay continues every night nagdu-duty sila nagtatatlong shifting sila sa outpost. Meron din kaming itinatag na 186 BPAT’s na kung saan ito yung katulong ng aming tanod sa sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan ng aming barangay”.

Nagtatag rin daw ang barangay ng 186 na Barangay Peacekeeping Action Team bilang hakbang sa pagpapatibay ng seguridad at pagkakaroon ng mas komprehensibong programa laban sa kriminalidad.

“So 20 Purok meron kami so lahat sila yung 186 naka deployed lahat yan every night dumu-duty rin sila by shifting by schedule bawat purok kaya lahat mula alas 10:00 hanggang alas 12:00 yung BPAT’s pero yung tanod 24 hours yun kaya lahat tumutupad ng kanilang tungkulin kaya ang katahimikan dito sa Gulang-Gulang kung mapupuna niyo hindi kagaya ng ibang barangay”.

Sinabi pa ng Kagawad na hangad nila na patuloy na makiisa sa pagpapayabong ng mga isinagawang programang pang-seguridad.

Pin It on Pinterest