Higit P1M na halaga ng shabu nasabat sa mag live-in parter sa Lucena City
Arestado ang mag live-in parter sa Barangay Ibabang Iyam sa Lucena City matapos mahulihan ng iligal na drogang higit 1M piso ang halaga.
Ang mga suspek na tulak umano ng illegal drugs ay kabilang sa mga high value indiduals ng Lucena PNP.
Kinilala ang mga ito na sina Leira Silverio y Morpea at Ericacio Sebuc y Esguerra pawang mga residente ng Purok Damayan 1 ng nasabing lugar kung saan naganap ang operasyon.
Sa Report ng Lucena City Police Station nagpositibo ang mga suspek sa ginawang joint buy-bust operation ng mga operatiba ng Drug Enforcement unit ng Lucena PNP, Quezon PDEU, PDEA 4A Quezon, Quezon Maritime Police, CIDG Quezon at RIU QUEZON matapos na mabilihan umano ang mga ito ng sachet ng hininalang sahabu ng isang police na nagpanggap na buyer.
Bulto-bulto ng sachet ng iligal na droga ang nakumpiska sa dalawa matapos ang pagsusuri ng mga awtoridad.
Sa kabuuan aabot sa 50 gramo ng shabu ang nakuha na nasa P1,020,000.00 ang street value.
Nangayari ang operasyon alas 5:00 ng hapon noong Jan. 12, 2023.
Nabawi rin sa dalawa ang apat na pisarong one thousand peso bill na ginamit bilang boodle money at isang pirasong one thousand peso bill na marked money.
Nasa kostudiya na ng Lucena City Police Station ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabang sa comprehensive dangerous drugs act of 2002.