Tourist Rest Area, itatayo sa Luisiana
Kasabay nang presentasyon ng itatayong Tourist Rest Area (TRA) sa bayan ng Luisiana Laguna, isinagawa na rin ang site inspection sa kahilingan ni Punong Bayan Jomapher Alvarez.
Layunin nito na mapaunlad pa ang sektor ng turismo sa munisipalidad at makapagbigay ng maayos, komportableng pasilidad, at impormasyon para sa mga turisita.
Nagtungo ang mga kawani ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority sa Barangay San Salvador na posibleng paglagyan ng TRA.
Bumisita rin ang team sa Pilgrims Dream Ecofarm and Resort at Aliw Falls, bilang bahagi ng pinalalawak na turismo sa bayan.
“Ang mga ganitong site inspections ay bahagi ng masusing pag-aaral at koordinasyon ng TIEZA sa mga lokal na pamahalaan upang matiyak ang strategic placement ng mga TRA na tunay na magsisilbi sa mga turista habang nakatutulong sa pag-unlad ng lokal na ekonomiya,” pahayag ng lokal na pamahalaan.