News

Php 14 Million Multi-purpose Facilities, planong itayo sa bayan ng General Nakar

Planong itayo ang Php 14 Million Multi-purpose Facilities sa bayan ng General Nakar mula sa proyektong handog ni Congressman Reynan Arrogancia.

Kamakailan ay magkasamang nilibot ni Mayor Matt Florido at sina Rizza Peñalosa at Radian Ryan Natividad na pawang mga kawani ng DPWH III sa nasabing bayan.

Ito ay upang maghanap ng angkop na lupang maaaring pagtayuan ng Php 14 Million Public CR/Multi-purpose Facilities upang suportahan ang Social Services.

May mga natukoy na umanong lugar na maaaring pagtayuan ng proyektong ito at iintayin na lamang kung pagtitibayin ng kanilang tanggapan ang nasabing lugar.

Taos pusong pasasalamat naman ang ipinaaabot ng bayan ng General Nakar kay Congressman Arrogancia dahil sa patuloy nitong pagsuporta sa nasabing bayan.

Pin It on Pinterest