News

Rep. Teddy Baguilat: Mahalaga ang Oversight Function ng Senado

Iginiit ni Ifugao Lone District Representative Teddy Baguilat Jr. na napakahalaga ng tungkulin na ginagampanan ngayon ng Senado kaugnay sa imbestigasyon sa anomalya sa paggamit ng pondo ng bansa.

Sinabi ito ng Congressman sa exclusive interview ng bandilyo.ph sa programang ‘Usapang Tapat ni Manong Nick’.

“In the Senate, ang sabi nga eh ang Senate ay 24 Republic yan eh. Sa akin importante ‘yun, kinakailangan talagang, kaya nga yung oversight function ng Senado, napakahalaga eh,” sabi ni Baguilat.

Dagdag pa ni Baguilat na malaking panganib sa demokrasya ang pagsasalita ng pangulo laban sa mga senador.

“I think ang President pagtinira niya ‘yung Senators tungkol dun sa oversight, malaking peligro yan sa ating demokrasya, unconstitutional yan,” saad ni Baguilat.

Mahalaga din daw na maging independent ang mga Senador na magsalita kapag may nakikitang katiwalian at hindi tama.

Pin It on Pinterest