News

Pinakamalayong barangay sa Tagkawayan, Quezon hindi napapabayaan ng pamahalaan

Bukas na matapos pasinayaan ng lokal na pamahalaan, DSWD at Office of the Presidential Adviser on the Peace Process ang isang farm to market road sa bayan ng Tagkawayan. Magagamit na ng mga residente ng Barangay Bosigon ang bagong kalsada na mula sa grant galing sa KALAHI at PAMANA Program. Base sa pamunuan ng barangay ay ito na ang ikalawang proyekto mula sa PAMANA Program matapos unang ibigay sa kanila ang 300 thousand peso worth na proyekto na ginamit sa isolation facility ng barangay, PA sound system at generator set. Magiging madali na ayon sa ilang residente ang paglalakbay palabas at papasok ng kanilang lugar maging ang pag-transport ng mga produktong manggagaling sa kanilang barangay.

Ayon naman kay Tagkawayan Mayor Carlo Eleazar,  hindi lamang ito ang proyektong nakahanda sa pinakamalayong barangay sa kanilang munisipyo. Kamakailan ay bumisita na rin sa lugar ang mga engineers ng DPWH upang i-validate ang isa pang road project na mismong ang komunidad ang humiling. Pinaglaanan na rin daw ng lokal na pamahalaan ngg 1.5 million pesos ang barangay upang matapos na ang kanilang ginagawang covered court.

Pin It on Pinterest