News

SP Lucena, muling itinanghal na Top 1 implementer ng programang “Sa Lucena, VIP ka’

Muling itinanghal ang Office of the Secretary to the Sanggunian ng Lucena City na Top 1 Implementer ng programang ‘Sa Lucena, VIP Ka’ ng Pamahalaang Panlungsod sa pamumuno ni Mayor Mark Alcala para sa Ikatlong Linggo ngayong Marso na may katergoryang Big Offices.

Ito ay may average na 83.17 habang Top 2 ang City Treasurers Office na may average na 83.15 at Top 3 ang City Tourism Office na may average na 83.10.

Iginawad ang Certificate of Recognition ng Alkalde kasama si Vice Mayor Roderick Alcala katuwang sina City Administrator Anacleto ‘Jun’ Alcala Jr. at City Human Resource Management Officer Criselda David kasama ang mga konsehal ng Sangguniang Panlungsod kasabay ng isinagawang regular na flag raising ceremony nitong Lunes ng umaga, March 20.

Itinanghal namang Top 1 Implementer ng Lucena VIP Ka para sa kategoryang small offices ang City Tourism Office na may average na 83.83 habang Top 2 Business Permit and Licensing Office na may average na 83.5 at Top 3 ang Zoning Services na may average na 83.17.

Pin It on Pinterest