Presyo ng bawang sa Lucena City, nananatili ang presyo o wala pang paggalaw
Nananatili pa rin sa ngayon sa P100 hanggang P120 ang presyo ng kada kilo ng bawang sa Pamilihang Panlungsod ng Lucena.
Ayon sa tindera na si Angeline, wala pa raw ngayong paggalaw sa presyo ng bawang sa naturang pamilihan.
“Okay pa naman hindi pa naman siya nagtataas, hindi pa namin nararamdaman yung pagbabago, P100-P120 ngayon ang bigayan ng bawang”.
Sinabi pa ng ilang tindero at tindera wala silang nakikitang dahilan para tumaas ang presyo ng kada kilo ng bawang.
“Dito hindi pa, hindi pa namin ramdam kasi ganon pa rin ang kuha namin P450”.
“Okay naman hindi naman nababa hindi nataas”.
Ang bawang ay isa sa mga pangunahing sangkap pang gisa ng mga lutong Pinoy.
Sa ibang lugar naman ng bansa, nasa P260 hanggang P300 kada kilo ang lokal na bawang.
Paliwanag ng Department of Agriculture, hindi sapat ang produksyon ng lokal na bawang para matugunan ang demand para rito. Kung may mga storage facility man na local garlic hindi pa rin daw ito sapat.