News

Pulis natangayan ng halagang 170K ng alahas at pera sa Lucena City

Tinatayang P170,000 halaga ng pera, mga relo at alahas ang natangay ng mga magnanakaw mula sa isang bahay sa Barangay Ibabang Dupay, Lucena City. Linggo ng hapon.

Mismong miyembro ng pulisya ang isa sa mga nabiktima ng akyat-bahay.

Batay sa paunang imbestigasyon, sinamantala ng mga kawatan na walang tao sa bahay at kasagsagan ng ulan para magnakaw.

Inakyat ng mga hindi pa nakilalang suspek ang bahay ng mga biktima at binuksan ang pinto sa ikalawang palapag.

Hindi na nahagip ng kuha ng CCTV ang insidente matapos sirain din ng mga suspek ang circuit breaker ng bahay.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad para matukoy ang suspek at marekober ang mga ninakaw.

Pin It on Pinterest