News

Quezon Maritime PNP at Brgy. Talao-Talao, nag-inspeksyon sa mga beach resorts para sa kaligtasan ngayong Semana Santa

Nagsagawa ngayong araw ng inspection sa mga beach resorts ang mga miyembro ng Quezon Maritime Police Station sa pamumuno PCPT. Benito Siddayao Jr. kasama ang Pamahalaang Barangay ng Barangay Talao-Talao sa Lungsod ng Lucena sa pamumuno naman ni Kap. Reil Briones upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga turista na bibisita dito.

Ito ay bilang bahagi ng “Ligtas Sumvac o Summer Vacation 2023 campaign ng Philippine National Police o PNP kasunod ng inaasahang dagsa ng publiko sa iba’t ibang tourist destinations at mga simbahan ngayong summer holiday season.

Dito ay isa-isang kinausap ng mga awtoridad ang mga beach owner kung nasusunod nga ba o nakakapagcomply sila sa safety checklist ng Sumvac.

“Ito po yung aming programa na Sumvac nagsimula nitong April na kailangan namin masiguro ang kaligtasan ng mga publiko dito sa mga beach owner para matiyak na ang kanilang clients ay ligtas sa kanilang pag-aaccommodate,” ayonn kay PCPT. Siddayao Jr.

Ayon kay PCPT. Bennito Siddayao Jr., ang hepe ng Quezon Maritime PNP, layunin ng inspeksyon na maging ligtas at payapa ang mga turista at mga tao na dadagsa sa mga pampublikong beach dahil paraan ito para maibsan ang mararamdamang panahon ng tag-init.

“Ito naman ay lagi naming isinasagawa para ma-ensure yung kaligtasan at seguridad ng publiko na sila ay pinangangalagaaan ng mga may-ari ng mga resort.”

Ayon naman sa Beach Owner na si Jackielyn Dala, ang hakbang na ito raw ng mga awtoridad ay mahalaga para sa kaligtasan ng mga tao sa mga pampublikong beach pero nakahanda raw ang kanilang pamunuan sa oras ng hindi inaasahan.

“Dapat lang po kasi buhay po yung panahon po ngayon ng mga tao natin kasi they have to secured kumbaga nga nagpe-prepare na po ako ng mga pang-imergency nila maski wala pang nangyayari meron na bitbitan ng taong nakahiga.”

Sa kabuuan pag-iinspeksyon, nakapag-comply naman daw ang mga beach owner sa kanilang safety checklist ng Sumvac para sa kaligtasan, kalidad, at kalinisan ng mga resorts.

Kasabay ng inspeksyon ay ang pagbabandilyo naman ni Kapitan Reil Briones sa mga turista at mga taong nagtungo sa pampublikong beach na bantayan ang kani-kanilang mga anak para maiwasan ang pagkalunod nito gayundin ang kanilang mga gamit na dala.

“Habang naglalakad tayo pinapaalala natin na bantayan yung kanilang mga anak para iwas lunod, bantayan rin yung kanilang mga gamit baka masalisihan pagka ganitong maraming tao kasi ay nandyan yung pananamantala ng mga masasamang loob.”

Nanawagan din si Briones sa publiko na maging responsable sa pagtatapon ng basura para mapanatili ang kalinisan ng kanilang mga pinupuntahang resorts.

“Kita niyo naman pinuntahan natin yung mga private resort malinis pero yung mga open ay madumi dahil nga kalat kalat yung tao ako’y nananawagan na rin na ang lahat po ng tao na pupunta dito sa aming barangay nab aka pwedeng bukod ho sa magbaon na ng lalagyan na basura ay magbaon din po tayo ng disiplina kawawa po yung ating dagat, kawawa yung ating kalikasan.”

Pin It on Pinterest