News

Batang Tayabasin Pasok sa Blind Audition ng The Voice Kids Philippines Season 5

Pasok sa Blind Audition ng The Voice Kids Philippines Season 5 ng ABS CBN ang 12 years old grade 6 student na si Kristen Uy mula sa Tayabas City, Quezon.

Ang pagsabak ni Kristen sa isa sa pinakamalaking singing competition sa bansa ay sinubaybayan ng mga Tayabasin, ipinagmamalaki nila ang kanilang pambato, sabi nila tunay na may angking talento si Kristen sa pag-awit.

‘’Napanood ko siya noong laban na noong napapunta na siya kay Bamboo sa Team Kawayan, magaling, syempre proud kami.”

‘’Masaya kami dahil syempre Taybasin proud kami na may magaling na Tayabasin kagaya niya.”

Ang ilang kapwa estudyante sa Tayabas City, proud sa kanilang kababayan.

‘’Proud po ako sa kanya, magaling po siyang kumanta.”

Kwento ng nanay ni Kristen na si Maria Lorena Uy, mahiyaing bata raw si Kristen na may akin na daw talaga na talento, mas nahubog ang singing talent nito noong panahon ng pandemya bunsod ng COVID-19.

“Kumakanta po siya sa amin lang po noong magpandemic naisipan naming mag-ina na maghanap ng magcocoach sayo.”

Ang The Voice Kids Philippines ang kaunahang singing competition na sinalihan ni Kristen, hindi daw biro ang mga pinag-daanan nito sa preliminary audition kaya sobrang saya daw nila ng nakapasok ito sa blind audition.

Noong Blind Audition ng March 26, dalawa sa tatlong hurado ang napabilib ng pambato ng Tayabas City ang umikot upang makita si Kirsten at kunin sa kanilang mga Team, mas pinili ni Kirsten upang mas hubugin pa ang kanyang Singing Talent si Bamboo para Camp Kawayan.

Sa mga susunod na round ng kompetisyon na tiyak na aabangan hindi lang mga Tayabasin maging ng maraming Quezonian sabi ng Ina ni Kirsten mas gagalingan pa daw at patuloy maghahatid ng karangalan.

Si Kirsten Uy ay pangalawa sa tatlong magkakapatid, ang kanyang ina ay isang guro at ofw naman ang kanyang ama, siya ay kasaluyang nag-aaral sa Tayabas West I Central School hindi lang siya ipinagmamalaki ng paaralan maging ng buong Tayabas City.

Pin It on Pinterest