Epekto ng Backyard Gardening sa Lungsod ng Lucena, Napapakinabangan Na
Dahil nag patupad noon ng Enhanced Community Quarantine ang buong lalawigan ng Quezon, humanap ng pwedeng mapag-lilibangan ang guro ng LCNHS na si Mr. Marcelo Alivia at ito ay ang pag tatanim ng gulay sa abandonandong lote na ngayon ay pinag kakakitaan na niya, ito ang pahayag ng guro sa Bandilyo.ph.
Aniya, ang pag popost niya sa facebook ay naging malaking tulong noong pandemya dahil dito niya naibebenta ang kaniyang mga bagong harvest na gulay.
“Yung nangyari pong ganon, eh di kakapost ko nga po sa facebook, may mga omoorder pong gulay, naging hanap buhay ko na po yun noong nakaraang pandemya, sideline ko po,” ayon kay Mr. Marcelo Alivia.
Dagdag pa ni Alivia, nasa malalayong lugar na ang mga nakakatransaksyon niya at sa kanya daw kumukuha ang mga ito dahil sya mismo ang model nang kaniyang produkto.
“May mga nakakasosyo nga po ako na taga Bagiuo, taga Cavite nakikipag ano sila sa akin dahil pag daw po ako yung nag tatanim, ay ako daw po ang nag momodel, hindi daw po kagaya ng iba nag bebenta ng seeds, hindi daw nila malaman kung kanilang tanim ‘yun,” ang kuwento pa ng guro.
Mas malaki daw ang kinikita thru online kesa sa pag bebenta ng tingi-tingi, hindi rin daw ito time consuming dahil mismong courier na daw ang pupunta para i-pick up ang produkto at sila na din mismo ang mag de-deliver nito sa mga um-order.