Sangguniang Eskwelahan Program, patuloy na isinasagawa
“Ito po ‘yong tuloy-tuloy naming Sanggunian Eskwelahan na programa dito sa Sangguniang Panglungsod. Ito ay base sa ordinansa na hinahangad na maging learning platform ang Sangguniang Panglungsod na parang classroom na matututo ang mga bata, matanda o sinumang may interes sa mga proseso na pinagdadaanan ng mga ordinansa o resolusyon o ‘yong mga ginagawa ng Sanggunihan. Ito ‘yong tinatawag na Sanggunihang Eskwelahan,” pahayag ni Lucena City Councilor Rhaetia Marie Abcede-Llaga.
Ayon pa sa konsehala, patuloy ang kanilang pagtuturo sa lahat ng mga SK Charimans at SK Kagawads ng mga barangay sa lungsod na may kaugnayan sa Sanggunian Eskwelahan.
“Patuloy po kami sa lahat ng mga miyembro ng mga SK Chairpersons at SK Kagawads ng lahat ng barangay natin sa lungsod. Amin silang binibigyan ng briefing kung ano ang kahalagahan, anong papel na ginagampanan ng mga kabataan sa pagpapaunlad ng ating bansa, kasi sila naman ang sadyang maaasahan sa mga susunod na panahon. “We are encouraging them and advocating to them good governance. ‘Yong mabuting paglilingkod at pamamahala sa kanilang mga poosisyon kasi nagsisimula na silang maging public servants.
Samantala, mensahe lang ng konsehala sa lahat ng lider ng kabataan na ilagay sa isip na sila ay public servants at laging isipin na makatulong sa kapwa.