Sariaya Quezon at San Juan Batangas Konektado ng muli sa pamamagitan ng Floating Walk Bridge

Konektado ng muli sa pamamagitan ng Floating Walk Bridge ang bayan ng Sariaya Quezon at San Juan Batangas matapos na maikabit ng Philippine CoastGuard sa Batangas ang mga floating pontoons sa Bantilan River na magsisilbing daanan ng mga residente papunta at pabalik sa nasabing mga bayan.

Kaninang umaga December 2, 2022 nadaanan na ito ng mga residente, sabi ng mga residente sa lugar marami sa mga dumaan ay mga estudyante at wala naman daw na naging aberya.

‘’kaninang umaga pinadaan na sa mga estudyante, ok naman wala namang aberyang kuwan’’sabi ni Mang Jimmy.

Pasado alas 9:00 ng umaga pansamantala itong hindi na muna pinadaan, upang ayusin ang lapat ng dulo ng Pontoon Bridge upang magpantay sa hagdanan, ang hagdaan nilalagyan narin ng mga railing upang may mahawakan ang mga bababa at aakyat sa hagdaan upang tumawid floating Bridge.

May ilang nais tumawid kanina ang hindi na muna pinayagan. Mainam daw na nagkaroon na nito.

‘’Mabilis po kapag dito dadaan”, ayon kay Vivian na tatawid sa San Juan.

Sabi ng Coastguard posibleng mga alas 3:00 ng hapon maari na muli itong daanan.

Sabi ng ilang residente bukod sa mga parating may mga transaksyon sa magkabilang bayan, mayorya raw na makikinabang sa nasabing tulay ay ang mga estudyante, lalo na ang mga mag-aaral ng barangay Manggalang Bantilan at kalapit na mga barangay sa bayan ng San Juan Batangas pumapasok.

Tiyak daw na sa umaga at hapon dadagsa dito ang tatawid.

“Malaking bagay yan ang mga tao ay nakakatwid na ito dati ay hindi makatawid lalo na mga eskwela at mga pauwi”, sabi ni Manong Fred.

Ligtas naman daw ang naturang tulay, may harang itong lubid sa magkabilang gilid na magsisilbing hawakan at harang sa tabi ng mga dumadaan, hindi rin daw basta basta matatangay ng agos sa ilog ang mga Pontoon dahil may mga angkla raw ito na nakahulog sa ilog.

Bukod sa bangka, ang tulay na ito sa ngayon ang magsisilbing tawiran ng mga residente papunta at pabalik sa mag kabilang ibayo.

Pin It on Pinterest