138 na estudyante sa kolehiyo, tumanggap ng tulong-pinansyal sa SK Guis-Guis Talon, Sariaya, Quezon
Nasa 138 estudyante sa kolehiyo ang tumanggap ng tig-P1,000 educational assistance mula sa Sangguniang Kabataan ng Barangay Guis-Guis Talon sa bayan ng Sariaya, Quezon sa ilalim na rin ng kanilang SK Financial Assistance Program.
Mismong si SK Chairman Ryan Sreedharan, kasama ang mga SK opisyal nito sa nasabing barangay, ang nanguna sa distribusyon ng naturang educational assistance.
Isinagawa umano ng by batches ang pamamahagi ng ayuda.
Ayon kay Sreedharan, ang nasabing educational cash aid ay ipinagkakaloob sa mga estudyanteng kolehiyo sa lugar upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Layunin ng SK Guis-Guis Talon na maghatid ng tulong pinansyal sa mga kabataang nangangailangan ng tulong upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.
Mensahe ni Sreedharan sa mga benepisyaryo na patuloy silang magsumikap at maging masigasig sa pag-abot ng kanilang mga pangarap para sa sarili at lalo’t higit sa pamilya nila.