News

Bisperas ng deadline ng COC filing sa eleksyong pangbarangay sa Lucena City, dagsa ng mga naghahain

Magkasunod na naghain ng kanilang certificate of candidacy sa Lucena City Commission on Election sa unang araw ng Setyembre at bisperas ng deadline ng COC filing sina incumbent Punong Barangay Enrico De Los Rios at SK Chairperson John Angelo Buñag. Kakandidato sila sa pagkakapitan ng Barangay 2 sa Lucena City.

Sabi ng dalawa, pagsapit ng campaign period, kampanyang-mamamayan ang panalo ang kanilang ihahain sa kanilang mga residente.

Ang grupo ni Buñag, gabi pa lang nasa Comelec na para sa paghahain ng kandidatura. Magtatanghali naman ng matapos sa paghahain ng COC si Delos Rios.

Samantala, naghain naman ng kanilang COC ang grupo ni Incumbent Barangay 11 Kapitan Peter Daleon kalakip ang kanilang drug test Result.

Bagama’t hindi itinatakda ng batas at hindi ipinag-uutos ng COMELEC ang pagkakaroon ng drug test result kalakip ng certificate of candidacy (COC), ginawa ito ng kanilang grupo sa pagtanggap na rin sa hamon noon ng DILG.

Ayon sa kapitan, pagpapakita ito ng kanilang grupo na sila ay malinis sa ilegal na droga na isa sa pangunahing kampanya sa kanilang komunidad.

Samantala, dalawang araw bago ang matapos ang paghahain ng kandidatura para sa halalang pangbarangay na gaganapin sa Oktubre 30, maraming mga incumbent barangay official ang nag-file ng COC.

Sa araw na iyon, may mga SK official din ang naghain ng kanilang kandidatura sa para sa mas mataas na position sa barangay gaya ni SK Chairperson Chelsy Hader kakandidato siyang bilang Punong Barangay sa Barangay Bocohan.

Kakandidatong Barangay Kagawad naman si SK chairperson Mikjo Portes sa Barangay Isabang.

Naghain rin ng kandidatura bilang kagawad sa barangay Uno si SK Chairperson Cherlene Quevedo.

May mga SK chairperson na rin ang una ng nag-file ng COC bilang Kapitan at kagawad ng kani-kanilang barangay.

Noong araw din na ito, marami rin ang naghain ng COC na walang grupo katulad ni Jaylo Pizarra. Bago pa man siya mag-file ng kanyang kandidatura bilang kagawad ng Barangay Dalahican sa tanong na anong klaseng kampanya ang dapat marinig ng mga tao pagsapit ng campaign period, sabi ni Pizarra, tunay na plataporma, malinis at patas na kampanya ang dapat marinig ng kanilang mga kabarangay.

September 2 ng taong ito, ang huling araw ng filing ng COC ng mga nais kumandidato sa barangay. Tiyak na mas daragsa pa sa huling araw ang mga maghahain ng kanilang mga kandidatura.

Pin It on Pinterest