Sekyu, patay matapos barilin ng lasing pulis
Patay ang isang security guard matapos barilin ng lasing na pulis sa loob ng bus sa boundary ng Barangay Batasan sa Makilala, Cotabato at sa Barangay New Opon sa Magsaysay, Davao del Sur.
Batay sa ulat, sakay ng bus ang suspek na si Cpl. Alfred Dawatan Sabas ng Police Station 7 sa General Santos City kasama ang kanyang live-in partner na si Phoenix Marie Delos Santos.
Nagkasagutan umano ang dalawa bago ilabas ni Sabas ang kanyang 9 millimeter pistol at namaril ng mga kapwa pasahero.
Tinamaan ang biktima na si Reynaldo Abdul Bigno Jr., isang security guard, may asawa at dalawang anak na nasa elementarya.
Binaril din ng suspek ang dalawang kapwa pulis na rumesponde sa insidente. Nagtangka pa siyang tumakas ngunit naaresto rin.
Samantala, kinilala naman ng mga awtoridad ang kanyang live-in partner bilang shabu dealer na naaresto noon sa entrapment operation at nakalaya lamang nitong Pebrero 2024 dahil sa probation program