Self-worth, Hindi Dapat Pagdudahan ng mga Kababaihan

Hindi dapat maliitin at pagdudahan ng mga kababaihan ang kanilang halaga, ito ang sinabi ni Dr. Karina Bautista, Division Gender and Development Focal person ng DepEd Lucena nang makapanayam ng programang ‘Usapang Tapat ni Manong Nick’.

Isinagawa ni Bautista ang pahayag kasabay ng pagdiriwang ngayong Marso ng National Women’s Month na naglalayong maitaas ang kamalayan pagdating sa women empowerment.

“’Wag kang magda-doubt sa worth mo, you are a masterpiece,’yun po ‘yung masasabi ko. Akala mo ganito ka lang? Pero para sa iba sobra-sobra ka na. So don’t be hard on yourself, ‘wag mong maliitin ang iyong sarili,” sabi ni Bautista.

Dagdag pa nito na ang women empowerment ay hindi lamang sa pisikal na aspeto kundi dapat ay maging socially at financially indepedent.

“Women empowerment is all about making women butch socially and financially independent. It is a process po na kailangan ‘yung mga kababaihan, they can make their independent decisions,” saad ni Bautista.

Ayon pa kay Bautista, nagsasagawa ang SDO Lucena ng mga aktibidad bilang selebrasyon ng Women’s Month tulad paggawad ng pagkilala sa mga natatanging empowered women sa mga school community.

Pin It on Pinterest