44 na Wanted personalities, arestado ng Quezon PNP
44 na wanted personalities ang naaresto ng Quezon Philippine National Police sa isinagawang isang linggong opersayon.
Iba’t ibang unit ng Quezon Police Provincial Office ang nagsanib pwersa upang hulihin ang mga indibidwal na may pagkakasala at nagtatago sa batas.
Isang manhunt operation ang ikinasa na nagresulta sa pagkakadakip ng mga wanted person.
Ayon kay Police Col. Ledon Monte ang Quezon Police Provincial Dir. ng Quezon PNP bunga raw ito ng mas pinainting nilang kampanya at operasyon laban sa kriminalidad.
Nagsimula ang operasyon noong Mayo 21 hanggang 27 sa iba’t ibang bahagi ng probinsya higit 40 ang nahuli.
Batay sa datos ng Provincial Operations Management Unit (POMU) labing isa sa mga naaresto ay nakatala bilang Most Wanted Persons.
Batay parin sa datos sa nakalipas na linggo ay ang Lucena CPS ang nakapagtala ng pinakamataas na huli na kung saan sila ay nakaaresto ng anim (6) na wanted person, sinundan naman ito ng Tiaong MPS kung saan sila ay nakapagtala ng apat (4) na huli at San Francisco MPS na nakahuli ng tatlong (3) wanted personalities.
Samantala, sa labing-isang Most Wanted Person na naaresto ng Quezon PPO, dalawa (2) dito ay nakatala sa Regional Level, 2 sa Provincial Level, 2 sa City Level at 5 naman sa Municipal Level.