News

Rescue vehicle sa mga barangay, itinurn-over sa Polillo, Quezon

Isinagawa nitong Miyerkules, ika -27 ng Setyembre ang blessing at turn over ceremony ng mga sasakyan sa walong barangay sa Polillo, Quezon na maaaring magamit sa kanilang disaster response at rescue operation.

Kabilang sa mga barangay na ito ay ang Barangay Anawan, Bucao, Kalubakis, Languyin, Libjo, Pilion, Taluong at Tamulaya.

Nagkaroon dito ng paglagda sa memoramdum of agreement sa pagitan ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Angelique E. Bosque at ng bawat Kapitan ng mga nasabing barangay sabay ng pormal na pag turn over ng mga sasakyan sa kanila.

Kasama din sa seremonya sina Vice Mayor Loel Santoalla, Coun. Ginalyn Flores, LDRRM Officer Kristoffer Alpuente, at iba pang kawani ng lokal na pamahalaan.

Bahagi ang programang ito ng Polillo local government sa pagpapalakas sa paghahanda ng mga barangay sa pagtugon sa kalamidad at sa panahon ng emergency.

Pin It on Pinterest