Swine bio-secured and climate-controlled finisher operation facility, binuksan na sa General Luna
Pormal nang pinasinayahan nitong Miyerkules ang P5.5 milyon halaga ng proyektong piggery sa bayan ng General Luna, Quezon.
Ang nasabing pasilidad ay bahagi ng programang Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE) ng Department of Agriculture na naglalayong mapanumbalik ang sigla ng swine industry sa pamamagitan ng pagpaparami ng baboy upang mapataas ang produksyon nito at siguruhing may sapat na suplay ng pagkain na abot-kaya.
Pinangunahan ni Mayor Matt Florido ang pagpapasinaya sa pasilidad na magagamit na ng Grupong Magsasaka ng Brgy. San Nicolas.
Kasamang dumalo sa pagbubukas ng pasilidad ang mga kinatawan ng Department of Agriculture-Calabarzon, Quezon Provincial Veterinary Office at mga opisyal ng pamahalaan bayan.
Sinimulang itayo ang bio-secured and climate-controlled finisher operation facility nitong Agosto ng nakaraang taon kung saan nakatanggpap din ang naturang samahan ng paunang biik at pakain.
Ang proyekto ito ay mayroong teknolohiya na kayang kontrolin ang klima sa pasilidad, angkop na imbakan ng pangunahing kagamitang-pansaka, pakain sa baboy, paliguan, at iba pa.