News

Taas-presyo sa LPG, dagdag pasanin na naman

Bagama’t hindi na raw nakakagulat para sa mga consumer pero sabi nila nakakadismaya ang pagtaas sa presyo ng LPG, dagdag gastos naman raw ito sa marami.

Apektado na naman ang ilang maliliit na mamumuhunan na araw-araw na gumamit ng LPG para sa kanilang hanapbuhay gaya ni Seshell na isang streetfood vendor, bawas kita ito para sa kanila.

Nagpatupad ang Petron ng 85 centavos per kilogram na taas-presyo sa LPG habang 48 centavos sa auto-LPG. Kaparehong price adjustment din ang ipatutupad ng Phoenix. Nasa 82 centavos naman ang price hike para sa Solane-branded LPG.

Batay sa pinakahuling datos mula sa Department of Energy, as of February 1, nasa ₱934 hanggang ₱1,118 na ang presyo ng kada 11-kilogram na tangke ng LPG.

Sabi ng mga consumer, malayo na daw ngayon ang presyo nito kumpara noong mga nakaraang taon.

Pin It on Pinterest