Groundbreaking ceremony ng kauna-unahang pasalubong center at public toilet, isinagawa sa Mulanay, Quezon
Isinagawa ang groundbreaking ceremony sa itatayong kauna-unahang pasalubong center at public toilet sa bayan ng Mulanay, Quezon.
Pinangunahan ni Quezon 3rd District Cong. Reynante Arrogancia ang naturang aktibidad kasama sina Mayor Aries Aguirre at mga miyembro ng Sangguniang Bayan at mga punong barangay sa bayan ng Mulanay. Nakibahagi din dito ang mga kinatawan mula sa Department of Public Works and Highways o DPWH mula sa ikatlong distrito.
Matatagpuan ang nasabing proyekto sa Barangay Sta. Rosa ng naturang bayan.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Mulanay, malaking tulong ito upang magkaroon ng malinis at maayos na palikuran.
Ito rin aniya ay magbibigay ng dagdag na kita sa mga lokal na negosyante at magpapalakas sa ekonomiya ng munisipalidad.
Gayundin, magbibigay rin ito ng maayos na pasilidad sa mga turista at mga byahero na dadaan sa kanilang bayan.