News

Unang araw ng paghahain ng COCs sa Comelec Lucena dagsa

Dinumog ng mga nais kumandidato para sa Barangay at Sangguniang Kabataan o SK elections ang opisina ng Commission on Elections o Comelec sa Lungsod ng Lucena sa unang araw ng paghahain ng certificate of candidacy o COC.

Isa ang Barangay Gulang-Gulang sa mga may malaking porsiyento na ang nagfile ng COC na nais kumandidato sa barangay.

Marami na rin sa Barangay Ibabang Dupay ang naghain ng kandidatura.

Noong araw ding iyon ay tumulak na rin ang buong grupo ni Kapitan Reil Briones ng Barangay Talao-Talao sa COMELEC Lucena kasama ang ang kanilang mga taga suporta sa paghahain ng kandidatura.

Maging ang buong grupo ni Kapitan Roderick Macinas ng Barangay Dalahican ay matiyagang nag-aantay dahil sa dami ng mga nagnanais kumandidato para sa Barangay at SK Elections para sa paghahain ng certificate of candidacy o COC.

Simula ngayong Lunes, August 28, marami na ang tinanggap ng COMELEC Lucena na COC para sa mga nagnanais na kumandidato sa Barangay at Sangguniang kabataan elections na nakatakda sa October 30.

Una nang sinabi ni Comelec spokesman Attorney John Rex Laudiangco, tatagal ang paghahain ng COC ng hanggang September 2.

Bukas aniya ang lahat ng tanggapan ng Comelec mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

Pin It on Pinterest