News

Virtual Christmas Raffle 2022, isinagawa sa Brgy. Dalahican

Isang Virtual Christmas Raffle 2022 ang isinagawa ng Pamahalaang Pambarangay ng Barangay Dalahican sa Lungsod ng Lucena upang makapaghatid ng masayang Pasko sa kanilang mga residente.

Ayon kay Kapitan Roderick Macinas, manabuti raw ng sangguniang barangay na isagawa ang naturang Christmas Raffle sa bawat purok ng barangay para naman kahit papaano ay mabigyan ng pagkakataon na sila ay manalo bilang papaskong handog na rin ng barangay.

“Bagama’t ang atin pong ginagawa ay hindi na pangkalahatan kumbaga hindi ho natin lahat mabibigyan so ang atin pong ginawa ay nagparaffle na lang po tayo so nagkaroon po sila ng chance na manalo sa ating mga papremyo sa raffle so atleast kahit papaano ay mabigyan ng Papasko yung ilang mamamayan natin dito sa ating barangay”, sabi ni Kapitan Roderick Macinas.

Aniya, ginawa nilang kada pamilya bawat purok ang kasali sa virtual raffle para lahat ay may tiyansang mabigyan ng premyo para sa mabubunot ng mga opisyal ng barangay.

“Per family po ginawa po namin hindi na po per household bawat Purok po may mananalo tapos meron po tayong pa-prizes para sa Grand draw so sa grand draw lahat po ay ilalagay may chances na mananalo sa Grand Prize po natin”, pahayag ni Kap. Roderick Macinas.
Sinabi ni Macinas lahat ng pamilyang Dalahicanin ay may tiyansang manalo sa raffle.

Ang consolation prizes ng barangay ay 5 kilong bigas at iba pang appliances na pwedeng ipamigay habang ang kanilang grand prize ay washing machine.

Pin It on Pinterest