Mechanized na pag ani ng palay, itinuro sa Mulanay, Quezon
Sumailalim ang mga Farmer’s Field School ng TESDA ang mga scholars sa Brgy. Matataja ng bayan ng Mulayan, Quezon nitong Linggo, October 1.
Ayon sa Mulanay LGU, ito ang paraan ng pag-aani gamit ang makabagong makinarya na kayang mag-ani at magsako ng palay sa minsanang pasada, ito ay ang Rice Combined Harvester.
Dalawa o hanggang tatlong katao lang ang kailangan para patakbuhin ito.
Layunin ng training na palakasin at palawakin ang kaalaman at kakayahan ng mga partisipante sa agri-entrepreneurship.
Ang programang ito ay sa inisyatibo ni Mulanay Mayor Aris Aguirre sa pakikipagtulungan ng TESDA at Skilled Farming School para sa higit pang pag-unlad ng mga magsasaka sa nasabing bayan.