News

Mga traffic enforcer sa Lucena City, aalalayan at susuportahan basta tama ang ginagawang trabaho – Mayor Mark Alcala

Sa kabila raw ng mga ipinatutupad na batas-trapiko at iba pa ng mga tauhan ng Traffic Enforcement Section sa Lungsod ng Lucena.

Aminado si Mayor Mark Alcala na marami pa ring nagagalit sa mga ito dahil sa pagpapatupad ng batas-trapiko ng mga traffic enforcer pero basta tama ang ginagawa nito sa kanilang pagtugon sa tungkulin sa lungsod ay nakaalalay at nakasuporta ang Pamahalaang Panlungsod ng Lucena.

Ang pahayag ay ginawa ni Alcala sa harap ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Lucena sa isinagawang regular na flag raising ceremony ngayong araw ng Lunes, April 17.

“Although marami ang nagagalit sa kanila, marami ang unfavorable sa kanila pero as long as you are doing things right accordingly to our rules and regulations ay nakaalalay at nakasuporta po kami sainyo”.

Batid ni Alcala na mahirap ang trabaho ng mga traffic enforcer pero kung inaalalayan at sinusuportahan ng lokal na pamahalaan ay kayang kaya nila ito.

Hinikayat ng punong lungsod ang mga kawani ng lokal na pamahalaan na alalayan, tulungan at suportahan ang mga traffic enforcers.

“I suggest sa atin pong lahat na alalayan, tulungan at suportahan po natin ang ating mga traffic enforcers”.

Pin It on Pinterest