News

19-anyos na babae, patay sa aksidente sa Lucena City

Patay ang isang 19-anyos na babae matapos umanong mabangga ng isang SUV hanggang sa sumalpok sa poste sa bahagi ng Brgy. Isabang, Lucena City.

Ayon sa traffic enforcer na naka-duty sa lugar, nakatulog umano ang driver ng naturang SUV dahilan para mabangga ang biktima.

Kinilala ng Lucena PNP ang biktima na si Kristine Advincula, 19-anyos at residente ng Brgy. Ibabang Iyam ng naturang lungsod.

Sa lakas ng pagkakabangga nawasak ang unahang bahagi ng SUV.

Sa ngayon patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.

Pin It on Pinterest